Chapter 178: Sponsor ni Ning Xi?
Ang katapusang resulta ay ang kabilang partido ay pumayag na ayusin ang bagay nang pribado, at wala ng nangahas sabihin pa ito sa korte.
Nagpapaikot-ikot pa rin ang isip ni Ning Xi.
Ang kinalabasan pala ay kalmado lang muna si Attorney Chen nung una, nag-iintay hangga't ang kanyang lakas ay maipon bago ipamalas ang kanyang panghuling galaw? Mas natuliro pa si Chang Li kaysa sa kanya.
Pareho rin ito sa mga 'di sumasang-ayon na tatlong abogado.
Habang papaalis na si Ning Xi at Attorney Chen, Si Cai Yingyong, ang abogado ng pamilyang Ning, ay tumayo nang biglaan, ang mukha niya ay nalilito habang tinignan niya si Attorney Chen at nagtanong: " Teka! Kung ako man ay magiging mapangahas, ikaw ba… ikaw ba ang malaking Attorney Chen, Chen Jing?"
Ang dalawa pang abogado sa tabi niya ay natulig sa kanyang mga salita.