Chapter 1680: Hulihin Ang Isda
Masama ang mukha ni Lu Jingli pero pinilit niyang ngumiti pagkaalis ni Cheng Feng. "Bro, pwede na rin natin hulihin yung isda!"
Nanatili sa monitor ang mga mata ni Lu Tingxiao, tinatapik niya ang mesa gamit ang daliri niya.
Malupit ang ekspresyon niya at hindi mahanap kahit saan ang kadalasang mahinhin na mukha niya na ipinapakita niya kay Ning Xi.
Kinilabutan si Lu Jingli nang makita niya ang computer screen ni Lu Tingxiao.
"Bro, 'wag ka na magalit. Ginugulo lang nila isip mo 'pag nagse-send sila ng pictures na ganito! Pero hindi ka nila kilala. Masyadong maliit sila mag-isip kung tingin nila maapektuhan ka ng ganyan!"
Hindi lang walang kwenta… Naging mas malupit pa ang kapatid niya dahil doon!