Chapter 1678: Nandito Ako, Kahit Anong Mangyari
Sa loob ng ward, tiningnan ni Yan Ruyi si Little Treasure, at kung paano niya binibigay ang tiwala niya kay Ning Xi. Nagbuntong-hininga siya nang mahina, "Little Treasure, may masakit pa ba sa katawan mo?"
Nasa gitna ang little bun ng yakap ni Ning Xi. Umiling siya.
Pag nandito si Mommy, wala akong nararamdaman na sakit.
Hinimas ni Ning Xi ang likod ni Little Treasure at pinatulog ito, tapos tiningnan niya si Yan Ruyi at sinabi, "Madam Lu, bibigyan kita ng magandang paliwanag tungkol sa food poisioning na nangyari kay Little Treasure."
Nang marinig siya ni Yan Ruyi, hindi nito alam kung ano sasabihin. Isa rin siyang nanay. Kung totoo talaga o hindi ang nararamdaman ng isang babae sa bata, kaya niyang makita, pero imposible makita ang nilalaman ng puso ng lalaki. Maaapektuhan nito ang kaligtasan ni Little Treasure, kaya hindi siya pwedeng magpabaya.
"Mommy…"
"Bakit, baby?"