Chapter 1670: Mga Walang Alam
Simula noong nagkaroon ng libreng oras si Ning Xi pagkatapos ng shooting, naghanda siya ng oras para magluto ng masarap at masustansyang lunchbox para kay Little Treasure para baunin sa school. Mahirap ang panahon ngayon para kay little bun dahil kahit bata pa lang siya, nasasama na siya sa problema ng mga matatanda.
Sana, matapos na lahat agad…
Lumipas ang tatlong araw.
Pagkatapos ng matinding handaan ng buong Lu family, dumating na rin ang matagal nang hinihintay na "Socialite Tea Party".
Para maghanda para sa lahat ng mga socialites, inayos ang buong Lu residence. Elegante ang itsura ng buong classical interior design, at maraming luxury cars ang nakaparada sa entrance. Suot ng lahat ang pinakamaganda nilang mga damit ang naroon rin ang lahat ng klase ng mga babae. Nakakahilo tingnan lahat.