Chapter 1665: Ibigay Ang Buhay Niya
Sa kwarto ng isang private club.
Nang makita niya ang marangal, malamig, at mayabang na lalaki, kuminang ang mga mata ni Su Yimo. "Mr. Lu… Ako…"
"'Wag mong sayangin oras namin! Ang Boss mismo ang nasa harap mo, kaya ipaliwanag mo na lang kung sino yung pumupuwersa sayo nang patago!" sabi ni Liang Feixing, takot siya na baka mayamot ang Boss niya dahil sa taong nasa harap niya.
"Hindi ko talaga alam kung sino siya, palagi siyang nakatago kahit pag kino-contact niya ako, pero mahirap talaga yung sitwasyon ko noon! Nagbanta pa siya na kung hindi ko sundin ang mga utos niya, papatayin nila ako! Pinilit niya akong magpa-plastic surgery, at pinagawa pa niya sakin ang ilang bagay para i-frame si Ning Xi!" Tinitigan ni Su Yimo si Lu Tingxiao, pinipilit na hindi niya talaga nais ang ginawa niya.