Chapter 1661: Cute Siya
Sa isang private room ng bar sa Imperial.
Kinuha ng babae ang kontrata mula sa bag at mabagal niya itong pinatong sa mesa. Nagsindi siya ng sigarilyo at humipak.
Nanatili sa kontrata ang mga mata ni Tang Ye nang sandali bago niya ito hinablot.
Binasa niya ito nang mabilis. Nagulat siya nang makita niya ang share transfer agreement na may pirma ng pangalan ng babae, Song Lin.
Sumandal si Yun Shen sa sofa, hawak ang isang baso ng pulang alak. Tiningnan niya ang pirmadong agreement mula sa gilid ng kanyang mata at tinanong, "Ano? Miss Song, nagbago ba isip niyo?"
Mabagal binuga ni Song Lin ang usok. "Nag-offer si CEO Yun sakin. Wala akong dahilan para tanggihan siya. Hindi ba?"
Ngumiti nang kaunti si Yun Shen habang tinitingnan niya ang babae sa tapat niya. Halatang hindi siya naniniwala na ibebenta niya ang shares niya sa kanya dahil lang dito. Kung naakit talaga ng offer, hindi niya papatagalin pa nang ganito.