Chapter 1630: Binuhos Niya Lahat!
Pagkapasok ni Ning Xi, narinig niyang nag-uusap ang hurado. Mukhang masaya sila sa pagtanghal ni Jiang Xinyi. Pero, hindi kumibo si Jiang Xingzhou, na nakaupo sa gitna. Noong nakita niyang pumasok si Ning Xi, tumingin siya at sinabi, "Begin!"
"Okay." Tumango si Ning Xi.
"Hinihingal na agad…," binasa ng isang staff member ang script.
Blangko ang mukha ni Ning Xi. Walang kahit anong ekspresyon sa mukha niya.
Ilang segundo ang lumipas, at parang sumanib sa kanya ang mga salita ng taong iyon. Dahan-dahan siyang lumapit sa bata, hakbang-hakbang, at binuhat niya ang bata at niyakap.
Lumaki ang blangko at walang buhay niyang mga mata. Tiningnan niya ang bata na parang pumanaw ang kaluluwa niya. Ilang minuto ang lumipas, at nakatitig lang siya, walang ekspresyon. Nakaupo lang siya doon, hindi gumagalaw, parang istatuwa.
Sa totoo lang wala siyang ginawa. Walang ekspresyon sa mukha niya.