Kabanata 1581: Mabawasan sa ganoong Estado
Si Lu Chongshan ay may dalawang kapatid na lalaki at tatlong kapatid na babae. Ang lahat ng kaniyang babaeng kapatid ay kasal na at lumipat sa malayong lugar, pero kahit ano man ang pinanggalingan ng kanilang mga asawa, maayos ang kanilang buhay dahil sa pamilyang Lu.
Ang pangalawang kapatid niyang lalaki na si Lu Chongyan ay nakatira ngayon sa Imperyal kasama ang kaniyang asawa na si He Jingzhu kasama ang kaniyang anak na babae na si Lu XInyan. Hawak niya ang ilang importanteng pag-aari ng pamilya Lu, at talagang malapit siya sa mga makapangyarihan.
At para sa isa pang anak na si Lu Chongmong, na pang-apat sa magkakapatid, siya ay naibaba sa mababang estado na kung saan na pwede nya lang ipakita ang kaniyang mukha tuwing sa taunang pagpupulong ng pamilya. Siya ay itinuturing na bawal at bihirang banggitin ng mga tao.