Chapter 1526: Napakagulo Ng Sitwasyon
Mahal ko...
At si Yun...
Ba't bigla silang dumating, at sabay pa?
Tapos may engrandeng pormasyon sa likod nila. Bakit may malaking grupo ng mga tao sa likod nila?!
Lumunok si Ning Xi. Uh, mukhang… sumobra siya!
"Hmph, malaya ka naman pala 'e, no?" Ginamit ni Yun Shen ang peke niyang ngiti habang nakatingin sa taong naghahari sa tiger pelt seat.
Sa mata niya, parang may papatayin na siya.
Hindi pinansin ni Ning Xi si Yun Shen. Tinapon niya ang baso na nasa kamay niya, tapos agad siyang tumakbo papunta kay Lu Tingxiao.
Nagmadali ang lider sa likod nila para saluhin ang baso. Oh! Antique ang basong ito at mamahalin!
"Mahal ko!" Lumubog si Ning Xi sa yakap ni Lu Tingxiao na parang ibon na bumalik sa pugad niya. Sinasabi ng ekspresyon sa mukha niya na nagdusa siya. "Oh, binully nila ako…"
Nahulog ang baso na nasa kamay ng lider at nabasag...