Chapter 1516: Pwesto Sa Puso Niya
Dahil iniiwasan ni Lu Jingli ang topic, may kakaiba sigurong nangyari.
Tumanggi ulit si Lu Jingli na ipakita ang mga videos, at hindi na nagtanong si Lu Tingxiao Tiningnan lang niya ang computer sa mesa niya.
Akala ni Lu Jingli na natago na niya nang maayos, pero may narinig siyang mga pamilyar na boses sa computer ni Lu Tingxiao...
"'Di na natin kailangan pag-isipan yung bruha. Tara na!" Mga boses ng mga artista.
"Ah! Ning Xi!" Boses ng isang crew member.
"Yun Shen!" sigaw ni Ning Xi.
Lumuluwa ang mga mata ni Lu Jingli. Pumunta siya sa harap ng monitor ni Lu Tingxiao, at nakita niya ang video na dapat nasa inbox niya lang.
"Hoy! Hinack mo computer ko?! Pa'no mo nagawa yun?!"
Tiningnan siya ni Lu Tingxiao. Parang sinasabi ng mga mata niya, "Kailangan ko ba talaga i-hack yung computer mo?"