Chapter 1510: Gaano Kamalas
Dumating na sila sa ospital. Tinulungan ni Ning Xi si Yun Shen papunta sa emergency room. Pinarada ni Jiang Muye ang kotse niya at susundan na niya ang dalawa nang napalingon siya sa backseat at nagulat.
Ano yan!?
Maliit na sugat lang, pero bakit sobrang daming dugo?
Parang metrorrhagia...
Nabigla si Jiang Muye, pero wala siyang oras para pag-isipan. Nagmadali siya para sumunod sa dalawa..
Pagkakita niya sa kanila, nasa loob na ng treatment room si Yun Shen. Mukhang nag-aalala si Ning Xi at parang may tinatawagan siya.
"Oo… Emergency room ng Imperial First Person Hospital… Okay, bilisan mo…"
Nakita ni Jiang Muye na puno ng dugo ang kamay at damit ni Ning Xi. Puno rin ng duguang footprints ang sahig...
"Grabe! Ning Xiao Xi, ano nangyari? Saan pa siya nasaktan? Parang masyado maraming dugo naman para sa maliit na sugat…" nagulat si Jiang Muye.