Chapter 1505: Ano'ng Ginawa Natin?
"Mama, sino?" tanong ni Sun Lan.
Tinruo ni Elder Madam Tang ang kanyang daliri kay Sun Lan. "Sino pa ba?! Yung anak mo! Ayaw niya pumasok sa Imperial si Xiao Nuo! 'Di ba tumawag siya para ipabago kay Xiao Nuo yung first choice niya?"
Nabigla si Sun Lan. Hindi niya naisip ito. "Ka… Kalokohan! Sinabi ko na kay Xueluo na mag-isa si Xiao Nuo dun, hindi ko siya susundan, at hindi iistorbohin ni Xiao Nuo ang buhay niya… Pumayag siya tapos wala nang sinabi…"
Gustong ipabago ni Ning Xueluo ang first choice ni Xiao Nuo?
Sumimangot si Ning Xi. May kutob siya na may kakaiba noong umpisa pa lang. Mukhang tama nga siya— malamang si Ning Xueluo ang may pakana.
Kahit may kutob siya noong una pa lang, hindi niya binanggit dahil kung sinabi na niya agad ito, baka sabihin na biased siya.
Pero, dahil hindi siya taga rito, ipinahiwatig ni Lu Tingxiao, at agad naisip ng lola si Ning Xueluo...