Chapter 1501: Meron Akong Bayaw?
"Ano… Ano dapat natin gawin?" Hindi mapigilan ni Sun Lan ang kanyang mga luha. Puno rin ng pangamba si Elder Madam Tang. "Meron kaya talagang nagbago? Sino yung hayop na yun?!"
"Sigh, kahit meron tayong witness na teacher?" tanong ni Tang Shan.
"Sinabi na niya na ''hindi'! At, hindi rin tayo sigurado kung nagkamali rin ba yung teacher… Baka hindi siya magtestify para lang hindi siya masisi…"
Desperado na ang tatlo...
Parang naglaho ang kaluluwa ni Tang Nuo. Pagkalipas ng ilang sandali, kinuha ulit niya ang phone.
Tinawagan niya ang Ministry of Education, ang exam center, at ang school. Pare-parehong mga opisyal na sagot lang ang nakuha niya. Kung Xi Jiang talaga ang ipinasa niya, wala siyang magagawa kundi pumasok doon.
"Wala ba talaga tayong magagawa?" Parang naliligaw si Sun Lan.