CHAPTER 150: Ang Pinaka-romantic na Birthday
"Tara na," hinawakan ni Lu Tingxiao ang kamay niya habang naglalakad sila papasok.
Parang natural na kilos na lang.
Tinignan ni Ning Xi ang magkahawak nilang kamay. Kahit na alam niyang nag-aalala lang si Lu Tingxiao na may masamang mangyrai, may maliit at kakaibang naramdaman si Ning Xi sa puso niya.
Madilim ang liwanag sa control room; nagmumula lang sa mga dosenang nakabukas na computer ang ilaw.
Sinundan ni Ning Xi si Lu Tingxiao habang nilalagpasan lang nila ang mga computer at sa wakas ay nahanp nila si Little Treasure sa tabi ng pinakamalaking makina.