Chapter 1497: Malaking Pagbabago
Dumating sila sa Tang residence.
Pang pyesta ang handa ni Sun Lan, at naghihintay si Tang Shan sa harap ng bahay. Nang makita nila ang dalawa, agad nila ito pinapasok.
Kumpara sa dati na nagkakahiyaan sila, mas maganda ang usapan nila ngayon. Kahit pormal ang usapan, hindi malamig.
"Nandito na si Xiao Xi. Pasok na kayo! Pasensya na. Noong nakaraan, umalis ka na bago ako makapaghanda ng hapunan!"
"Okay lang. Kailangan niyo ba ng tulong?"
"Hindi na. Upo ka lang, ihahanda ko na yung pagkain. Kailangan pa iluto yung sabaw, pero malapit na matapos!"
…
Pagkatapos ng ilang sandali, muling nagsama ang pamilya sa hapag kainan.
Tiningnan ni Sun Lan si Ning Xi, medyo nahihiya. "Ang laki ng pinagbago! 'Di na kita mamukhaan…"
Tumango si Tang Shan. "Xiao Xi, gumanda ka!"