Chapter 1494: Ninakaw Ang Mga Pagkakataon
"S...Syempre, tinuturing kitang anak! Pero ano ang koneksyon nito sa kung anong city ang pipiliin ni Xiao Nuo para sa college?" nag-aalalang tanong ni Sun Lan.
Pumait pa lalo ang tono ni Ning Xueluo. "Kinalat na ni Ning Xi ang totoong identity ko. Kahit mga in-laws ko, alam na hindi ako tunay na anak ng Ning family at anak lang ako ng probinsyana! Alam mo ba kung gaano kanakakahiya ang sitwasyon ko? At ngayon pupunta sa Imperial si Tang Nuo. At susundan mo pa siya! 'Di ba masyadong maraming tao na ang nakakaalam nito?"
Kumirot ang puso ni Sun Lan nang marinig niya ang mga salitang "anak ng probinsyana."
Hindi niya inaasahang ganoon kagalit sa kanila ang anak niya.