Chapter 1492: Gusto Pa Rin Si Ning Xi?
Kahit si Nung Xueluo nagulat sa reaksyon ni Su Yan. "Pasensya na, Bro Yan. Hindi ko siya na-train nang maayos…"
"Kunin mo na ang sweldo mo, tapos umalis ka na," malupit na utos ni Su Yan. Nanginginig si Xiao Ling sa takot. "Master-in-law, nagkamali ako… Hindi ko dapat sinabi yun… Please wag niyo ako paalisin…"
"Bro Yan, patawarin mo na siya. Palagi akong sinusuportahan ni Xiao Ling. Matagal na niya akong inaalagaan. Hindi lang niya mapigilan sarili niya…" Tiningnan ni Ning Xueluo si Zhao Shanshan habang may luha ang mga mata niya.
"Okay, tama na! Kakakasal niyo pa lang. Ang gulo niyo naman! Xiao Ling, bigyan mo na kami ng space! Shanshan, balik ka na rin sa kwarto mo!" utos ni Zheng Minjun.
Ngumuso si Zhao Shanshan at umalis nang madilim ang mukha. Iniisip niya kung gaano kapraktisado ang pag-arte at pagmamakaawa ni Ning Xueluo. 'Di nakakapagtaka na nakokontrol niya si Su Yan!