Chapter 1475: Isa Pa?
Pawis na pawis si Ning Yaohua habang sinasabi, "May pinadala ako para mag-imbistiga. Mukhang nagpupuntahan sa taas ang mga bisita!"
"Anong ginagawa nila sa taas?" nagdilim ang ekspresyon ni Ning Xueluo.
Maayos ang kasal nila noong una, pagkatapos ay nagkaroon ng isyu sa nang dumating ang Zhuang family, at nagsimulang umalis ang mga tao sa importanteng parte ng okasyon. Hindi binigyan ng pansin ng mga natitirang bisita ang kasal at abala sila sa pag-uusap tungkol sa nangyayari. Pakiramdam niya ay isa siyang katatawanan sa entablado. Inalala niya ito at iniisip niya kung paano niya ito nalampasan. Mali pa nga ang oath na nasabi niya…
Ang masaklap, wala man lang nakapansin ng pagkakamaling ito…
Sa taas?
Hindi ba naroon ang walang kwentang charity event ni Ning Xi?
Pinili niya ang araw at lugar ng event ni Ning Xi para sa kanyang kasal. Ito ay dahil gusto niyang kalabanin si Ning Xi kaya naalala niya ito.