Getting Out Of Hand
"Ano'ng sinabi ni Miss Zhuang at Madam Zhuang sa'yo kanina?" Marami rin namang bisita ang 'di talaga gusto ang aroganteng ugali ni Ning Yaohua kaya palihim silang nagmamalaki ngayon.
Kumilos lang ang mga Ning at mga Su na parang isang pagkakamali ang nangyari at 'di na pinansin. Isang masayang araw dapat ito kung tutuusin at 'di rin sila pinahirapan ng mga bisita. Puro ngiti lang ang nasa mga mukha nila.
Pero pagkatapos nito, sinong makakapagsabi kung ano ang mga pag-uusapan sa mga private dinner?
Magsisimula na ang wedding ceremony, kaya sinamantala ng dalawang pamilya ang panahon at bumalik muna sa hotel room.
'Di na napigilan ng nanay ni Su Yan. Pagkasara ng pinto ay nagreklamo siya kaagad, "Xueluo, anong problema? 'Di ba sabi mo may darating mula sa mga Zhuang? At dumating nga sila pero para ipahiya tayo!"