Chapter 1461: Are You Sure You Want Me To Go?
Nito lamang ay maganda ang takbo ng "Nine Realms". Bukod sa pag-atupag sa mga shooting, nag-aayos din si Ling Zhizhi ng mga pagpunta ni Ning Xi sa mga event.
Aabutin ng ilang buwan ang mga shooting para sa isang serye. Kapag masyado siyang matagal na 'di nakikita ng publiko madali siyang malilimutan kaya kailangang siguraduhin na may atensyon pa ring nakatuon sa kanya.
Lalong sumisikat si Ning XI. Habang mas dumadami ang nagugustuhan siya, marami rin ang mga pumupuna, pinagbibintangan siya at ginagawan ng chismis, pero salamat na lang kay Ling Zhizhi at sa suporta ng kumpanya, 'di nagiging malaking banta ang mga ito. Sa halip, lalo pa nitong pinabibilis ang pagsikat niya.
Habang nagsisikap siya sa trabaho, ang isang bagay na patuloy nagagawa ni Ning Xi ay ang kanyang charity work.
May hangganan lang ang nagagawa niya noon, pero sa kalagayan niya ngayon, mas marami na siyang kayang gawin.