Chapter 1459: I'll Surely Come
Walang marka ng kalungkutan sa mukha ni Zhuang Liaoyuan nang sabihin ito sa kanya ni Zhuang Keer. Sa halip, mukha lang siyang nairita. Lalong nanlamig ang ekspresyon nito. "'Di mo na 'to dapat pinoproblema. Isipin mo na lang na wala kang narinig tungkol diyan. 'Wag mo ring babanggitin sa lolo mo."
Dahil mukhang nasaktan si Zhuang Liaoyuan, 'di na binanggit ni Zhuang Keer na imimbitahan siya at ang pamilya niya ni Ning Xueluo sa kasal.
Kahit wala masyadong sinabi ang tatay niya sa isyu, sigurado siyang mas malalim pa ito. 'Di niya pwedeng basta-bastang paniwalaan lahat ng sinabi ni Ning Xueluo, pero 'di rin siya pwedeng basta lang mangialam.
Para rin sa kapakanan ni Xiao Xi, ayaw niyang maging masyadong malapit sa pinsang biglang sumulpot.
…