Chapter 1445: Managinip na Walang Suot?
Matapos makaalis ni Lu Jingli, tiningnan muli ni Lu Tingxiao ang ulat nang paulit-ulit bago niya itinago nang mabuti.
Marahan niyang isinara ang pinto ng kwarto ni Ning Xi. Dumagdam pa sa katahimikan ng mag-ina ang lampara ng kwarto; ang kung sino man ang makakakita ng eksenang ito ay siguradong maaantig ang puso.
Umupo sa tabi ng kama si Lu Tingxiao, unayos ang buhok ni Ning Xi sa kanyang taenga.
Niyayakap siya ni Little Treasure at mahinbing ang kanilang tulog. Tanggap ang kanyang palamuti sa mukha, lalo tuloy siyang nagmukhang bata.
Tama, nasa hustong edad lang siya ng isang regular university graduate.
Siya ay 18 pa lang nang mabuntis, bata pa at dapat nang kaharapin ang mabigat na hamon. Tapos, maraming madramang bagay pa ang nangyari. Kung sa taong may mahinang lakas ng kaisipan ito nangyari, baka sumuko na agad ito.