Chapter 1412: Tatawagin Kitang Itay
Sa gilid, tinitingnan ni Zhuang Rongguang si Lu Tingxiao at ang mini-me nito. Yamot niyang binulong, "Sis Xi, ang dami-daming mga lalaki sa mundo! Bakit si Lu Tingxiao?"
Tumaas ang kilay ni Ning Xi. "Kasi cool siya!"
Muntik na maubo si Zhuang Rongguang pero nang makita niya ang perpektong mukha ni Lu Tingxiao, wala na siyang nasabi. Sinabi na lang niya, "Ano ba yan! Ang tanda na ng anak niya!"
"Sorry, gustong-gusto ko yung bata!"
Hindi nakaimik si Zhuang Rongguang.
Malambot na little bun. Hindi nakakatuwa. Anong nakita niya dito?
"Sis Xi, tingin ko mas bagay ka sa army man. Maghahanap ako para sayo pag pumasok na ako sa army. Sisiguraduhin kong maghanap ng tao na mas astig pa kay Lu Tingxiao, tapos magkakaroon ka ng anak na may magandang genes, at magiging kasing astig mo ang anak mo…"