Chapter 1410: Kayang Bumaril Ng Babaeng Ganun Kaganda?
Kahit ilang buwan lang ang nakalipas, halos hindi namukhaan ni Ning Xi si Zhuang Rongguang nang magkita sila sa loob ng shooting range.
Hindi lang ang itsura niya ang nagbago. Nagbago rin ang ekspresyon niya. Nakikipag-usap siya sa mga kaibigan niya, at may determinasyon sa ekspresyon niya.
Mukhang nagbago talaga siya at binigay niya talaga ng makakaya niya.
Suot ni Ning Xi ang isang custom-made red dress ng Spirit at makinang na silber na high heels. Tinanggal niya ang sunglasses niya at nabunyag ang maganda niyang mukha.
Hindi holiday noon, kaya wala masyadong tao sa shooting range. Kahit artista siya, hindi niya kailangan magtago sa shooting range, kaya hindi na nagsuot ng disguise si Ning Xi.
Pero napansin pa rin si Ning Xi ng mga tao dahil lang sa itsura niya at hindi dahil artista siya.