Chapter 1401: Pito Para Tawagin Ang Dragon
Sa loob ng Move City, nagtatrabaho ang crew ng Nine Realms.
Sa gitna ng gubat ng kawayan, may dalawang anyong naglalaban, isang berde, at isang pula. Pareho silang mahusay, at kasing bilis ng hangin at kasing lambot ng tubig ang mga katawan nila, at humanga ang mga nanonood. Pero, pag tiningnan ng mabuti, mapapansin na may ibang iniisip yung babae.
Ilang minuto ang nakalipas.
"Cut! Ning Xi, okay na yung take, pero base sa standards mo, pwede pa gumanda! Magpahinga muna tayo ng sampung minuto, tapos gawin natin ulit!" sabi ni Guo Qisheng.
"Okay." Tumango si Ning Xi. Pinunasan niya ang pawis niya at bumalik sa resting area.
Ibinigay ni Jiang Muye ang sword prop na hawak niya sa assistant niya at umupo sa tabi ni Ning Xi sa mahabang sofa. Hindi siya masaya, "Ning Xi, ano ibig mong sabihin? Minamaliit mo ba ako? Pwede ka ba mag-focus? Ang layo ng iniisip mo! Ano ba yun?"