Chapter 1395: Ang Misteryo Ng Boyfriend Ni Ning Xi
Ang dami niyang ginawa simula noong nakaraang gabi pa kaya medyo nahilo si Ning Xi. Pagkatapos niya sa media, naghanap siya ng lugar para magpahinga bago magsimula ang seremonya.
Pero, pagkabukas niya ng pintuan ng resting lounge nakita niya...
Sina Jiang Muye, Mo Yuxiu, at Su Yan...
Bawat isa sa kanila ay nakaupo sa sarili nilang sulok, at kakaiba ang hangin sa kwarto.
Naintindihan niya sina Jiang Muye at Mo Yuxiu, pero bakit pati si Su Yan nasa actor's resting lounge?
Bwisit, kailangan niya maghanap ng ibang lugar para magpahinga!
Pero, hindi ganoon kadali. Tatakas na dapat si Ning Xi pero nilapitan siya ni Su Yan, na nakaupo sa kaliwang bahagi ng sofa. "Xiao Xi…"
Xiao Xi?
Si Mo Yuxiu, na tahimik na nagmamasid kay Jiang Muye, ay biglang tumingin kay Su Yan.
Magkakilala ba sina Su Yan at Ning Xi? Tinawag pa siya nang ganun...