Chapter 1393: Punung-puno Ang Tiyan
May pinagkaiba ba ang 10,000 at 9,999?
Isang araw, kukunin ko lahat ng babae sa organization mo!
Namroblema si Ning Xi pero huminga siya nang malalim at sinabi niya, "9,999? Okay! Pero isang buwan ko na kailangan si Annie!"
Wala na siyang pakialam. Ang priority niya ay dalhin si Annie para tingnan si Sis Tianxin, kaya humingi siya ng mas maraming oras kung sakaling may emergency.
Ngumiti ang lalaking may puting buhok. "Deal."
Natakot si Ning Xi na baka magbago pa ang isip niya, kaya agad siya umalis kasama si Annie.
"Bro Xi, gagawa ka ba talaga ng ganun karami? Gagawin mo lahat by hand?" Nag-alala si Annie.
"Gagawin ko. Bakit naman hindi? Sisiguraduhin kong punung-puno ang tiyan niya!" Tiningnan niya kung saan pumunta sina Tang Ye at Tang Lang.
Nagtaka siya kung ano nangyayari sa kanila...