Chapter 1391: Na-trigger?
Sumandal si Tang Lang sa pintuan, nakasimangot. "Tama na! Pag nakita kayo, halatang tatakas kayo! Kung makita tayo ni Tang Ye, ako ang lagot!"
Hinila ni Ning Xi ang kamay ni Annie at agad nila sinundan si Tang Lang palabas.
Mabilis nakarating ang tatlo sa main entrance, pero pagkalabas nila, may sorpresang naghihintay sa kanila.
Nagulat sina Ning Xi, Tang Lang, at Annie.
Nang makita ni 16 na tinutulungan nina Ning Xi at Tang Lang tumakas si Annie, nagulat rin siya, pero wala siyang oras para mag-isip. Tumingin siya sa likod niya na parang may panganib doon at nataranta.
Sa sandaling iyon, bumuga ang hangin mula sa palad ng isang kamay na biglang umatake kay 16. Puno ng takot ang mukha niya.
Sa sumunod na segundo, hinila ni Ning Xi si 16 sa likod niya, tapos tinitigan niya ng masama si Tang Lang at tinulak siya.