Chapter 139: Null Is Sex and Sex Is Zero
"Ano?" biglang kinabahan ang pagkatao ni Lu Tingxiao.
"Yung telang panali sa aking mga mata… Maaari mo bang ipiring ulit iyon sa akin?" bulong na pakiusap ni Ning Xi.
Halata ang pagkabigla sa mga mukha ni Lu Tingxiao. "Bakit?"
Sinabi ni Ning Xi ng walang pag-aalinlangan. "Dahil, kapag nawawala sa paningin, nawawala din sa isip!"
Bagamat ang sinabi ni Ning Xi ay hindi mapaliwanag, pero naintindihan agad ito ni Lu Tingxiao. Ng may bahagyang pag-ubo, pinulot niya ang telang puti na nasa sahig at dahan-dahan itong ipiniring sa mga mata nito.
Bumugso ang kagustuhan ni Ning Xi nang lumapit sa kanya si Lu Tingxiao, kaya nagmadali itong ibinulong ang "Null is zero and sex is zero," ang gulo sa kanyang katawan ay unti-unting humupa hanggang makalapit ito at magdilim muli ang kanyang paningin.