Chapter 1388: Gusto Ko Lang Siya Makita
Pagkaalis ni Lu Tingxiao, lumabas sina Mo Jianzhang, Kang Shuhui, at Kang Wanru mula sa opisina ng doktor.
Mabigat ang hangin. Hindi nila tiningnan si Mo Lingtian, kung sino ay nakaupo sa bench.
"Wanru, sabihin mo sakin ng diretso. Gaano kalala?" tanong ni Kang Shuhui habang nakasimangot si Ning Xi.
Nagbuntong-hininga si Kang Wanru, "Sinabi na ni Chief Liang. Wala na akong madadagdag. Sa sitwasyon na ito, halos wala na siyang pag-asa mabuntis ulit. Swerte na siya at naligtas pa ang uterus niya!"
Umiyak si Kang Shuhui at sinisi ang sarili niya, "Diyos ko… ano gagawin natin?"
Tiningnan ni Mo Jianzhang si Ning Xi. "Miss Ning, salamat talaga. Kung hindi dahil sayo… Ay, teka, alam na ba ng pamilya niya? Sasabihin ba natin? Napakalala ng nangyari…"