Chapter 1377: Kaladkarin Ang Halimaw!
Matapos niyang maihiga ng maayos sa kama, magaang hinalikan ni Lu Tingxiao ang mga labi niya.
Hindi natutulog ng maayos si Ning Xi nitong mga nakaraang gabi. Pagkatapos niyang ipaliwanag ang lahat kay Lu Tingxiao at nawala ang lahat ng inaalala niya, hindi niya na natiis pa at nakatulog sa biyahe pauwi.
Ngayon, minulat ng babae ang kanyang mga mata at nakita ang lalaki sa harap niya.
"Mmm… bahay na?"
"Mm-hmm." Tumango si Lu Tingxiao. "Bahay na."
Inabot ni Ning Xi ang leeg ng lalaki gamit ang mga braso niya. "Inaantok na ako… gusto ko na matulog…"
"Matulog ka lang."
Sumimangot siya. "Hindi ka pa tatabi sa'kin?"
Gusto na sanang pumayag ni Lu Tingxiao pero napigilan niya ang kanyang sarili at sinabi, "May mga aasikasuhin lang ako. Sasamahan ka ni Little Treasure, okay lang ba?"
Masunuring tumango si Ning Xi. "Mmm."