Chapter 1375: Ikaw Na Pinakamamahal Ko
Mapait ang ngiti ni Ning Xi. "Mahuhulaan mo na siguro kung anong sunod na nangyari. Noong buntis na ako, akala ko anak iyon ni Su Yan kaya binuhay ko. Noong panahong iyon, nagpunta sa ibang bansa si Su Yan. Bumalik lang siya noong eight months na akong buntis.
'Pagkabalik niya, sinabi niya sa'kin ang totoo. Hindi siya ang lalaki noong gabing iyon. Hindi niya anak ito. Sinabi niya sa'kin kung anong ginawa ni Ning Xueluo sa'kin. Sinabi niya na nagsinungaling lang siya para pagtakpan ang ginawa ni Ning Xueluo.
"Noong sinabi ni Ning Xueluo sa'kin ang totoo, nawalan ako ng kontrol at tumakbo palabas ng bahay. Nabundol ako ng kotse. Patay na iyong bata nung ipinanganak ko. Ito na siguro 'yung kabutihan na pinakita sa'kin ng langit. Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin ang batang iyon kung nabuhay siya…"