Chapter 1372: Gawin Natin Bago Maghiwalay?
"Mm-hmm, tapos na!" Sinubukan ni Ning Xi na gawing normal ang kanyang boses. Tinanong niya, "Hindi ba sinabi ko kay Lu Jingli na pupuntahan kita pagbalik ko? Bakit ka pumunta? Ang layo kaya nito!"
"Para makita kita agad." Parang hindi napansin ni Lu Tingxiao ang kakaibang kinikilos ng babae. Nilapitan niya ito at pinagbuksan ng pinto.
Huminga ng malalim si Ning Xi at parang robot na naglakad papunta sa sasakyan.
Pinaandar ni Lu Tingxiao ang makina, saka marahang nagmaneho sa malubak at maliit na kalye ng nayon…
Tahimik sila sa loob ng sasakyan. Walang nagsasalita.
Sa labas ng bintana ng sasakyan, nilisan nila ang mga pamilyar na tanawin at mga nayon, tulad na lang kung paano nawala ang liwanag sa buhay niya…
Malapit na sila sa highway kaya mas lumalawak na ang daan. Dahil malayo ang nayong ito, walang ibang sasakyan sa kalye…