Chapter 1370: Exception
Bago pa matapos ni Hong Bin ang sinasabi niya, bigla siyang nasampal sa mukha.
Pak!
Mayroong bakas ng dugo sa bibig niya.
"Sino iyon?! Gusto mong mamatay?" Napatingin sa pinto ang mga tauhan ni Hong Bin.
Mayroong magandang babae doon, nakasuot ng simpleng damit at pigtails. Mukha siyang mahina pero hindi iyon ang sinasabi ng ekspresyon niya.
"Ate…" Naalala ni Tang Nuo na kasama niya nga pala si Ning Xi. Agad niya sinangga si Ning Xi.
Nang marinig nina Tang Shan at Sun Lan na tinawag ni Tang Nuo ang ate niya, sumilip sila.
"Xiao Nuo, anong sinabi mo? Nandito si Xueluo?"
"Xueluo?"
…
Nang makita nila kung sino ang nasa pinto, nagulat sila.
Hindi si Xueluo…
Siya si…
Tang Xi…
Si Xiao Xi!
Bakit nandito si Xiao Xi?
Hindi ba't si Xueluo ang hinanap ni Xiao Nuo?