Chapter 1369: Hindi Tinrato Bilang Pamilya
Siyempre, hindi siya pinaniwalaan ni Ning Xi. Kung mareresolba ng mga pulis ang problema, hindi niya kakailanganin pumunta sa Imperial at hanapin si Ning Xueluo.
Matapos ang dalawampung minuto ng paglalakad, nakarating na rin sila. Hinahanda na ni Ning Xi ang sarili niya nang bigla silang makarinig ng ingay mula sa loob ng bahay. May mga nagsisigawan at nagmumurang lalaki sa loob. Sumigaw din ng napakalakas ang kanyang foster mother na si Sun Lan.
"Ah! Tama na! Pakiusap, tama na!"
"Gago ka, Tang Shan! Nireport mo ako sa pulis?! Papatayin kita ngayon! Tingnan natin kung sinong sasagip sa'yo!"
"Hoy, bruha! Manahimik ka! Gusto mo putulin ko 'yang dila mo!"
…
"Itay! Inay! Hoy, kayo! Anong ginagawa niyo?! Bakit nagnanakaw kayo sa gitna ng aram? Wala na ba talaga kayong takot sa batas!"
"Batas? Ako ang batas!"