Chapter 1368: Dahil Nandoon Ang Taong Mahal Niya
Sa kalagitnaan ng biyahe, nilabas ni Ning Xi ang kanyang phone at nagpadala ng text message kay Lu Jingli.
[Lu Jingli, papunta ako sa Chang Chun City, may aasikasuhin lang ako para sa pamilya ko pero babalik agad ako sa gabi. Pakisabi sa kuya mo na pupuntahan ko siya agad pagbalik ko sa Imperial.]
…
Sa parehong oras, sa Platinum Palace, sa study room ni Lu Tingxiao, magdamag nakaupo doon ang lalaki.
Maingat na kumatok si Lu Jingli bago pumasok sa pinto. "Bro...nagtext sa akin si Xiao Xi Xi ngayon lang. Sinabi niya na sabihin ko sa'yong papunta siya ngayon sa Chang Chun City dahil may aasikasuhin siya sa pamilya niya pero babalik din siya mamayang gabi. Sinabi din niya na...pupuntahan ka niya agad pag balik niya…"
Nagbigay ng suhestiyon si Lu Jingli, "Bro! Sabihin ko kaya kay Xiao Xi Xi na ilipat na lang 'yung date? Para naman hindi siya masyadong mapagod!"
Henyo talaga!