Chapter 1366: Sinong Nanakit Sa Iyo?
"Xiao Nuo! Ikaw nga!" Nagulat si Ning Xi na makita siyang parang basang sisiw. Hindi na siya nagdalawang isip pa at agad na hinubad ang suot na coat para ibalot sa kanya. "Sumakay ka sa kotse!"
Kinuha ni Ning Xi ang mga dala niya at pinasok sa sasakyan habang pinapasakay niya ito.
Pero nakatayo lang ang binata sa harap ng marangyang kotse. "Ate, madumi ako…"
"Ano ka ba!? Naulanan ka lang nagloloko ka na!?" Tinulak siya ni Ning Xi papasok sa sasakyan.
Umalis ang BMW sakay ang maganda at ang binata.
Sa likod nila, litong lito ang may-ari ng tindahan.
Talaga bang nakita niya ang isang mayamang magandang babae na nagsama ng pulubi?
At ang magandang babaeng iyon ay mukhang artista…