Chapter 1364: Second Uncle, Masyado Kang Nag-iisip
Sabado ng umaga, kakatapos lang ni little bun sa leksiyon niya kasama si Elder Song. May hawak siyang calligraphy scroll nang biglang hinila ni Lu Jingli ang braso niya.
"Little bun! Makikipagbreak na ang nanay mo sa tatay mo! Pigilan mo siya! Ikaw lang ang makakagaw nito ngayon!"
Nagpumiglas si little bun para makaalis sa mahigpit na hawak ni Lu Jingli. Maingat niyang inaayos ang suot niya.
"Hey...my dear, pansinin mo ako! Seryoso ako dito! Nagmamakaawa ako sa'yo ngayon dahil wala na akong maisip na ibang paraan! Sa'yo na nakasalalay ang lahat ngayon!" Kakaiba ang schedule ni Ning Xi nitong mga nakaraang araw. Ilang beses siyang hindi naabutan ni Lu Jingli kaya ang magagawa niya na lang ay humingi ng tulong kay Little Treasure.
Malamig ang titig ni little bun kay Lu Jingli. "Gustong makipagbreak ni mommy sa kanya?"
Hindi pa rin tinatawag ni little bun ang tatay niya "daddy".