Chapter 1361: Gustong Makipaghiwalay Sa'yo?
Binaba ni Lu Jingli ang tawag, mukha siyang dismayado. Malungkot siyang tumingin sa kuya niya na nasa sofa. "Hindi pupunta si Xiao Xi Xi. Sabi niya kailangan niya daw magbasa ng script pero 'di ba dapat may oras siya para kumain man lang? Hmm, baka masyado lang akong sensitive. Bakit pakiramdam ko sinasadya ni Xiao Xi Xi na iwasan ako?"
Walang sinabi si Lu Tingxiao. Nandilim lang ang kanyang mga mata.
Hinimas ni Lu Jingli ang kanyang baba at sinabi, "Pakiramdam ko pa rin ay may kakaiba kay Xiao Xi Xi. Ang weird niya na kaninang umaga. Pakiramdam ko takot na takot siya sa'yo, iniiwasan ka at parang nagi-guilty siya kapag nakikita ka niya…"
Kahit papaano, malalim ang pagkakaunawa ni Lu Jingli.
Eksakto ang pagkakalarawan niya sa buhol-buhol na nararamdaman ni Ning Xi para kay Lu Tingxiao.
Pagkatapos sabihin ni Lu Jingli ang lahat ng ito, mukhang mas sumama ang kondisyon ni Lu Tingxiao.