Chapter 1357: Ilang Puso Ng Babae Ang Ninakaw Mo
Pagkakita nila kay Ning Xi at napansin ang kilos at itsura niya, pumasok sa isip ni Zheng Mingjun ang linyang "hindi nalalayo ang bunga sa puno".
Karapatdapat siyang maging tunay na anak ng isang prestihiyosong pamilya. Kahit na lumaki siya sa isang probinsya at nanatili doon ng 18 taon, nasa buto niya pa rin ito.
Naisip niya rin na anak ni Zhuang Zongren si Zhuang Lingyu, ibig sabihin ay pamangkin ni Zhuang Zongren si Ning Xi at parte din siya ng angkan ng Zhuang family. Nakaramdam ulit ng inis si Zheng Mingjun…
Nakabalik din agad si Ning Xi sa katinuan niya matapos masurpresa sa pagkakakita kina Su Hongguang at Zheng Mingjun. Lumingon siya kay Guo Qisheng. "Direk Guo? Ano iyon?"
Hinihingal si Guo Qisheng. "Bakit umalis ka agad? Kailangan ko pa ang tulong mo!"
Natawa si Ning Xi. "Ano naman iyang importanteng bagay na iyan na kinailangan mo pa talaga akong habulin, Direk Guo?"