Chapter 1347: Magandang Patibong
Maaari mo bang tigilan ang palaging pagiging mabait sa akin, please?
Tumignin sa baba ang babae, ang kanyang mga mata ay parang marmol na nawalang ng kinang.
Bago pa kumalat ang pagiging negatibo, pinigilan na agad ito ni Ning Xi.
Pinulupot ni Ning Xi ang kanyang mga braso sa leeg ng lalaki. "Lu Tingxiao..."
"Hmm?" Gusto talaga ni Lu Tingxiao ang ganitong maliliit na kilos ng babae. Ang malambot na buhok nito ay nahulog sa kanyang mga balikat, na nakapagpatibok ng kanyang puso. Gusto niya talagang ibigay ang buong mundo sa babae.
Bumulong si Ning Xi sa taenga nito, "Bakit ba gustong-gusto kiya? Nang magdesisyon ako na makasama ka, ang akala ko ay sapat na ang pagkagusto ko sa iyo..."
Bago pa iyon, hindi niya inakala na may makakasama siya. Kung hindi niya siya talaga gusto, hindi siya hahakbang nang pasulong.