Chapter 1331: Wala Siyang Kakayahan
Sa mga katagang tulad ng "a life is at stake" at "grandchild", paano nagawa ng Mo family na patagalin pa ito?
Nagmadaling umuwi sa bahay sina Mo Jianzhang at Kang Shuhui.
Sapat na talaga ang katagang "grandchild" para magmadali silang umuwi, kahit na nasa North Pole pa sila.
"Wanru, anong grandclid ang ibig mong sabihin?! Sinabi mo pa na buhay ang nakataya!" nagmadaling tinanong no Kang Shuhui.
Mukha ring lito si Mo Jianzhang. Tumingin siya sa kanyang relo at sinabi, "Wanru, sige na sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin. Kailangan ko pang bumalik sa aking unit mamaya."
Ininom ni Kang Wanru ang kalahati ng kanyang tsaa bago sabihin, "Ngayon, nasa clinic lang ako. May dumating na batang babae kaninang umaga upang magpatingin kasama ang kanyang kapatid, at ang ulat ay nagpapakita na siya pala ay tatlong buwan nang buntis. Ang gusto ng babae ay ipalaglag..."