Chapter 1328: Nagkamali?
"Ikaw din." Tinitigan muna ng lalaki ang babae bago umalis.
Papasok na sana siya ng kotse nang tawagin siya ni Ning Xi, "Lu Tingxiao…"
Lumingon si Lu Tingxiao at tiningnan siya.
Humigpit ang mga kamao ni Ning Xi ng ilang sandali bago lumuwag. Sa huli, kumaway siya. "Mag-iingat ka pag-uwi."
"Mmm."
…
Nanatiling nakatayo si Ning Xi ng matagal pagkatapos makaalis ni Lu Tingxiao. Hanggang sa mawala ang pamamanhid sa kanyang katawan, tsaka lang siya bumalik sa loob ng bahay.
Mayroon siyang kailangan sabihin sa kanya…
Kahit na mahirap…
Kailangan niyang alisin ito mula sa pinakamalalim at pinakamadilim na ugat kahit na maaaring maging kapalit nito ay ang paghaharap niya sa panibagong impiyerno.
…