Chapter 1327: Biglaang Pagseselos
Nasa labas si Lu Tingxiao nang buksan niya ang pinto.
"Paano mo…" Gulat na gulat si Ning Xi nang makita niya si Lu Tingxiao sa pinto. "Paano mo nalamang nandito ako?"
Nasa daan na siguro siya papunta dito bago pa siya tumawag.
"Nanghula ako."
Namangha si Ning Xi. "Henyo ka talaga! Pero hindi mo naman kailangang pumunta dito, ano? Pwede naman tayong mag-usap bukas!"
Binuksan ni Lu Tingxiao ang mga braso niya. "Nandito ako para yakapin ka."
Namuo ang mga luha sa mga mata ni Ning Xi at yumakap sa lalaki. "Lu Tingxiao, bakit ang cute cute mo?!"
Kahit na abala siya buong araw, nandito siya para yakapin siya at pagaanin ang loob niya?
Mahigpit ang yakap nila sa isa't isa sa gitna ng malamig na gabi.
Sinuklay ni Lu Tingxiao ang buhok niya. "Itigil mo na ang pag-iisip mo. Kung ano man ang nangyari sa aming dalawa, walang koneksyon iyon sa iyo. Pribadong galit namin iyon."