Chapter 1323: Magdesisyon Sa Lalong Madaling Panahon
"Ning Yaohua, 'wag mong ibahin ang usapan. Sa tingin mo ba ay mabuting rason ito para magsinungaling sa Su family?" Mas galit na ngayon ang tono ni Su Hongguang.
Taimtim na nagsalita si Ning Yaohua, "Tungkol sa isyu, wala kang dapat ipag-alala. Bibigyan kita ng isang magandang sagot!"
"Sige, bibigyan kita ng tatlong araw!" Binaba niya ang tawag.
…
Matapos ang tawag, mukhang pinagsakluban ng langit si Ning Yaohua.
Agad na nagtanong si Zhuang Lingyu, "Bakit? Anong nangyari? Anong sinabi nila?"