Chapter 1310: Bulag Siguro Yung Babaeng Yun
Nahrangan ng kumpol ng mga tao ang entrance, kaya hindi makahanap si Ning Xi ng paraan para makaalis. Naghanap na lang siya ng sulok. Umupo siya doon at hinintay umalis ang lalaki.
Base sa pagkakaalam niya, hindi ito magtatagal.
Pero ngayon, balak yata siyang awayin ng lalaki dahil parang wala siyang intensyon umalis.
"CEO Yun, bata ka pa at mahusay, ang dami mo nang nagawa sa murang edad. Ang galing talaga! Ano kaya yung business mo dati sa abroad?"
Para makaipon siya ng ganoon kalaking kayamanan...
Nagtataka rin yung iba tungkol dito. Suspetya nilang lahat, miyembro ito ng isang long-established, big-time clan sa abroad.
Hinimas ng mahabang daliri ng lalaking may puting buhok ang baso niya ng blood-red wine at sinabi nang mabagal, "Weapons."
Tumahimik ang lahat.
Tapos, may mga nagtawanan. "Hahahaha… Ceo Yun, nakakatawa ka!"
"Oo nga! CEO Yun, nakakatawa ka!"
...