Chapter 1308: Mayabang Na Itsura
"May update ba?" usisa ni Ning Xi.
"Meron, konti, siguro! Actually, 'di ko alam kung counted!" Mukhang nahihirapan si Ning Tianxin, parang babaeng patay na patay.
Ngumiti si Ning Qiutong sa dalawang babae, at nagbuntong-hininga habang iniisip ang ligaya ng kabataan. "Kailangan ko muna umalis. Mag-usap lang kayo!"
"Okay, bye bye, Aunty!"
"Aunty, 'wag kayong mag-alala samin!"
...
"Ano ibig sabihin mo sa 'konti'? Sabihin mo na! Tutulungan kita!" Hindi kaya ni Ning Xi ang itsura ng babae at pinigilan niyang maubos ang pasensya niya.
Nag-alinlangan nang sandali si Ning Tianxin. Nang makita niyang walang tao sa paligid nila, sinabi niya nang mahina, "Gi...ginawa namin!"
"Whoa! Ano!?" Muntik na sumigaw si Ning Xi sa gulat. Nagulat siya kasi mukhang maamo, mahinhin, at konserbatibo ang pinsan niya. "Sis Tianxin, pano naging 'konti' yan? Dati tahimik ka lang, ngayon ganyan ka na!"