Chapter 1306: Nasa Ilalim Niya
Nangsisiyasat pa rin si CEO Xiong.
Pero hindi tinanggihan ni Ning Qiutong. "Totoo, CEO Xiong. Katulad ko siya."
Malapit lang si Zhuang Lingyu, at nang marinig niyang ganito makipag-usap si Ning Qiutong, at sa mga implikasyon nito, dumilim ang mukha niya sa galit...
Kung hahayaan niyang magpatuloy ito, baka malantad doon rin lahat ng mga scandal!
Agad lumapit si Zhuang Lingyu. "Qiutong, nandito ka rin pala!"
Tiningnan siya ng malamig ni Ning Qiutong, "Bakit? Hindi ba ako pwede pumunta?"
Pinigilan ni Zhuang Lingyu ang galit niya. Hindi niya ito inaway pero tiningnan niya ng matalas si Ning Xi. "Yang batang yan, bakit hindi niya ako binabati? Hindi mo ako kayang batiin bilang foster mother?"
Bago makapagsalita si Ning Xi, sumagot si Ning Qiutong, "Tingin ko dapat iba ang tumawag sayo ng foster mother!"