Chapter 1305: Ang Pamangkin Ko, Si Ning Xi
Simula noong umuwi si Ning Qiutong, maraming gustong sumipsip sa kanya sa loob ng circle nila para maging business partner siya.
Dahil dito, maraming nakakilala sa kanya, pero sino ang elegante at napakagandang babae sa likod niya?
Hindi nila alam na may ganito kagandang socialite dati!
Anak kaya siya ni Ning Qiutong?
Imposible. Walang anak si Ning Qiutong!
Hindi rin makapaniwala kahit yung mga nakakilala kay Ning Xi. Nagulat sila sa itsura niya at hindi nila inaasahan na pupunta siya sa banquest kasama si Ning Qiutong.
"Yun ba yung kapatid ni Ning Yaohua, Ning Qiutong?"
"Oo, si Ning Qiutong yun, pero sino yung babae sa tabi niya? Mukhang close sila!"
"Walang anak si Ning Qiutong, kaya imposible kahit manugang. Anak kaya ng kaibigan niya? Hindi rin eh…"
...