Chapter 1302: Pinaglaruan Ang Puso Ko
"Tapos…" Nilagok ni Jiang Muye ang inumin niya, tapos tinitigan niya si Ning Xi katulad ng titig ni Mo Yuxiu. "Tapos, naging kami talaga sa loob ng isang araw, pero…"
Kumibot ang bibig ni Lu Jingli. "Pwede ba sabihin mo na?"
"Sa seventh day, dinala ko siya sa mga kaibigan ko para makuha ko na yung reward ko. Pero kay Ning Xi napunta yung kotse!"
"Ha?" Tanong ni Lu Jingli, "Bakit napunta kay Xiao Xi Xi? Binigay mo sa kanya?"
"Kailangan pa ba niya yun? Kasabwat niya yung mga kaibigan ko. Siya ang totoong scammer!" sabi ni Jiang Muye.
Nahulog talaga si Jiang Muye para kay Ning Xi, kaya magulo talaga ang loob niya nung dinala niya si Ning Xi sa mga kaibigan niya.
Pagkarating nila sa lugar, balak niya hindi na niya tatanggapin yung kotse, at ipagpapatuloy niya ang relationship nila ni Ning Xi, pero tumagay si Ning Xi kasama ang mga kaibigan niya. Noon lang niya nalaman na niloko siya.